Universal Health Care Bill pinirmahan na ni Pangulong Duterte

0
50

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Bill.

Dahil dito, mabibigyan na ng malawak na health care coverage at benepisyo sa mga Pilipino.

Nakapaloob sa naturang landmark legislation na ang lahat ng mga pinoy ay magiging otomatikong miyembro ng bubuuing national health insurance program bilang direct contributor o indirect contributor.

Ang mga direct contributor ay yung mga nagbabayad ng regular na health premiums samantalang mga senior citizens at indigents ay indirect contributors.

Mas papalawakin ng nasabing batas ang saklaw ng Philhealth na napapakinabangan ng mga Pilipino ngayon at nangangahulugan ito ng libreng konsultasyon at iba pang diagnostic services.

Nakalagay rin sa nilagdaan batas na ang mga pinoy na naninirahan sa bansa ay makikinabang sa primary health service kahit walang Philhealth card.