Underground hospital para sa mga Chinese nationals na may COVID-19 sinalakay ng mga otoridad

0
37

Ni-raid ng CIDG regional field unit ng region 3 at Food and Drug Administration (FDA) ang dating leisure village na ginawang underground hospital para sa mga Chinese nationals na may COVID-19.

Ayon kay Pol/Brig. Gen. Rhoderick armamento, kanila nang hahanapin ang mga Chinese nationals na pasyente ng naturang ospital.

Aniya, may posibilidad na nakakahawa na ang mga dayuhang naging pasyento dito sa pag-aakalang gumaling na sila.

Wala kasing permit para makapag-operate ang naturang establisyimento mula sa Department of Health (DOH) maging sa Inter Agency Task Force (IATF).

Samantala, naaresto naman ng mga otoridad ang administrator at pharmacist sa underground hospital.

Nakumpiska rin ang mga gamot na may Chinese labels na umano’y hindi rehistrado sa FDA.

Sa ngayon, nailipat na ng mga otoridad ang pasyente na nadatnan sa iligal na pasilidad sa ibang ospital.

Mahaharap naman ang dalawang naaresto sa kasong paglabag sa FDA act of 2009 at medical act of 1958.