Unang kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 naitala ng US

0
15

Isang 50 anyos na state man o politiko ang kauna-unahang nasawing pasyente dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.

Ayon sa Washington Health Department’s Communicable Disease Unit, may dati nang dinaramdam na sakit ang nabanggit na pasyente bago pa man ito nahawaan ng COVID-19.

Nasawi anila ito sa Evergreen Health Hospital sa Kirkland at hindi pa matiyak kung papaano ito na-exposed sa nabanggit na virus.

Dagdag ng mga opisyal, mayroon pang dalawang kaso ng COVID-19 ang naka-confine sa Evergreen Health Hospital at mahigpit na ring binabantayan ang kondisyong pangkalusugan.

Samantala, nakapagtala na rin ang Australia ng kauna-unahang nasawing pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Australian Health official Andrew Robertson, isa itong 78 taong gulang na lalaki na kabilang sa mga ni-repatriate na pasahero ng Diamond Princess cruise ship at sumasailalim pa sa quarantine.

Nahawaan din aniya ng COVID-19 ang asawa ng nasawing lalaki pero kasalukuyan nang nasa maayos na kondisyon.