Unang kaso ng COVID-19 sa San Fransisco, California walang travel history —Health Officials

0
20

Walang anumang travel history o hindi nagtungo sa anumang bansa ang dalawang unang kaso ng COVID-19 o coronavirus disease sa San Franciso, California.

Ito mismo ang kinumpirma ng mga health officials sa San Francisco kung saan nangangahulugan umano ito na mayroon nang community spread ng virus sa lugar.

Nabatid na ang dalawang pasyente ay isang 90 anyos na lalaki at isang 40 anyos na babae.

Sa ngayon, ginagamot na sa magkahiwalay na ospital ang mga nasabing pasyente habang lumabas din sa imbestigasyon na hindi rin nakasalamuha ng dalawa ang sinumang pasyenteng nagpositbo sa COVID-19.