Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pagbagsak ng chopper na sinasakyan nina Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa at iba pa, kahapon, ika-5 ng Marso.
Ito mismo ang kinumpirma ni PNP Deputy Director General for Operations Lieutenant General Guillermo Eleazar kung saan kaniya ring pangangasiwaan ang Special Investigation Task Group (SITG) na mag-iimbestiga sa naturang insidente.
Sinabi ni Eleazar na marami kasing maaring dahilan ang pagbagsak ng naturang chopper kaya’t kumakalap ang mga otoridad ng sapat na impormasyon bilang bahagi ng proseso ng kanilang imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Eleazar na nasa maayos na kundisyon na si Gamboa at ilan pang heneral na lulan nang bumagsak na chopper.
Sa ngayon nananatili namang sa intensive care unit (ICU) si Police Major Jose Maria Victor Ramos dahil sa tinamo nitong facial fractures o pinsala sa mukha at bungo.
Ang SITG, mayroon tayong investigators team, kasama rin ang CIDG, at Special Action Force, pati na ang PRO-Calabarzon at sila ang ang nagsagawa ng inisyal na imbestigasyon,” ani Eleazar. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas