Saturday, May 4, 2024

CAAP kumilos na rin sa imbestigasyon ng chopper crash ni Gamboa, et al.

- Advertisement -

Nagpadala na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga tauhan sa crash site kung saan bumagsak ang chopper na sinakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa.

Ito mismo ang kinumpirma ni CAAP spokesman Eric Apolonio kung saan sinabi nitong hawak na rin ng CAAP ang mga ebidensiya upang matukoy ang dahilan sa pagbagsak ng chopper.

Sinabi ni Apolonio, nakatakda silang magpadala ng accident investigator upang mahigpit na masuri ang pinagbagsakan ng naturang chopper.

Kami hindi pwedeng magbigay ng information sa ngayon kung alin talaga ang false accident dahil under investigation pa. Pero ‘yung pilot po niya, si Lt. Col. Salazar, based on our record, rated sya as single-pilot IFR, ibig sabihin po no’n, pwede nyang i-operate ito 9chopper na sinasakyan nina Gamboa) kahit siya lang at kahit na zero visibility pwede,” ani Apolonio. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img