Unang batch ng mga aircon unit ng MRT-3 nagsimula nang dumating

0
43

Nagsimula nang dumating ang unang batch ng mga airconditioning unit ng MRT-3.

21 sa 42 sa air-conditioning units ang dumating kahapon habang simula ngayong araw ay darating ang nalalabi pang 21.

Ayon sa Department of Transportation, inaasahang sa susunod na linggo ay mailalagay na ang mga naturang aparato sa mga bagon upang maging mas malamig at komportable ang mga pasahero.

Sa kabuuan,  78 air-conditioning unit na nagkakahalaga ng  116.5 million pesos bilang bahagi ng pagsasaayos ng MRT-3.