Umano’y pamemeke sa water shortage itinanggi ng Manila Water at MWSS

0
34

Mariing itinanggi ng Manila Water Company at MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang umano’y pamemeke lamang nila ng pagkakaroon ng kunwaring water shortage upang mapabilis ang pagsasagawa ng Kaliwa Dam na pinondohan ng China.

Ito’y sa isinagawang pagdinig kahapon ng Kamara hinggil sa krisis sa tubig.

Giit ni Manila Water President Ferdinand Dela Cruz, tunay ang nangyayaring kakulangan sa suplay ng tubig at walang sabwatang nangyayari kaugnay rito.

Pinasinungalingan din ito ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco at sinabing wala itong katotohanan at water security program anya nila ang naturang dam.

Samantala, umaaasa naman si Velasco na masisimulan ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam sa buwan ng Hulyo o Agosto.