Palasyo umalma sa ulat na may epekto sa tiwala ng investors sa bansa ang EJK

0
47

Umalma ang Malakaniyang sa report ng Law Asia na may epekto na sa tiwala ng investors ang isyu ng extra judicial killings sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kulang sa research ang Law Asia hinggil sa tunay na kalagayan ng bansa.

Binigyang diin ni Panelo na malakas ang foreign investment sa bansa base sa kaniyang pakikipag ugnayan kina Trade Secretary Ramon Lopez, Finance Secretary Carlos Dominguez at NEDA Director General Ernesto Pernia.

Sa katunayan aniya ay nalampasan na ng sitwasyon ngayon ang mga naitalang investment noong mga nakalipas na taon at kailanman ay hindi natalakay ng foreign investors ang pagkabahala sa EJK.