Tapyas-piso sa NLEX toll rates ipatutupad bukas

0
42

Nakatakdang magpatupad ang NLEX Corporation ng tapyas-piso sa kanilang toll rates, bukas.

Ito’y upang maibsan ang kamakailang ipinatupad na sampung pisong dagdag sa kanilang toll rate.

Dahil sa naturang tapyas-piso sa toll ay magiging 54 pesos na lang ang toll para sa class 1 vehicles, 136 pesos para sa class 2 vehicles, at 164 pesos naman para sa class 3 vehicles.

Samantala, ang naturang tapyas-presyo sa toll rate ng NLEX ay aprubado ng Toll Regulatory Board kasunod ng pagbubukas ng Harbor Link Segment 10 na bumabagtas sa mga siyudad ng Valenzuela, Malabon at Caloocan.