Umano’y liham ni Cadet Telan bago nasawi bineberipika na ng PNP

0
32

Isinailalim na sa verification ng Baguio City Police ang umano’y sulat na ginawa ng yumaong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Cadet 4th class Mario Telan.

Ito’y makaraang mag-viral sa social media ang post ng isang Jose Larry Hermoso IV hinggil sa isinulat umanong liham ni Telan na nagsasaad ng pagmamaltrato sa kaniya sa loob ng akademiya.

Sa panig naman ng PMA, sinabi ng tagapagsalita nitong si Capt. Cherryl Tindog na umaasa silang mabibigyan sila ng kopya ng sinasabing liham ni Cadet Telan para isailalim sa masusing pag-aaral at imbestigasyon.

Una rito, sinibak na ng PMA ang 2 sibilyang swimming instructors nito na sina Roberte Bete at Antonio Catalan dahil sa kapabayaan.

Magugunitang si Telan ang kadete ng PMA na nakitang patay sa swimming pool ng PMA matapos ang kanilang klase at pinaniniwalaang nalunod.