Umakyat na sa 116 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila

0
13

Pumalo na sa 116 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.

Batay sa monitoring ng Manila Health Department at Manila Emergency Operation Center, naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na lugar:

– Baseco – 1

– Binondo – 5

– Ermita – 6

– Malate – 7

– Paco – 2

– Pandacan – 8

– Quiapo – 2

– Sampaloc – 35

– San Miguel – 1

– Sta. Ana – 16

– Sta. Cruz – 11

– Sta. Mesa – 4

– Tondo 1 – 7

– Tondo 2 – 11

Samantala, umakyat naman sa 298 ang persons under investigation (PUI) sa Maynila, habang 17 ang nasawi sa sakit.