Ulat na umalis ng bansa si Pangulong Duterte hindi totoo —Spox

0
7

Pinabulaanan ng Malacañang na umalis ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasalukuyang nasa bansa ang Presidente upang i-monitor ang mga hakbang ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hindi naman tinukoy ni Roque kung saan o kanino galing ang report na lumabas ng bansa ang Pangulo.

Matatandaang huling nagkaroon ng foreign trip ang Pangulong Duterte noong November 2019 matapos dumalo sa 35th Summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Thailand.