Ulat na nakauwi na ang babaeng Chinese na dinukot sa Makati kukumpirmahin pa —PNP

0
16

Kukumpirmahin pa ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na nakauwi na ang babaeng Chinese na nakuhanang dinukot ng mga lalaking nakasakay sa van sa Makati City.

Ayon sa Makati Police Investigation Chief Major Gideon Ines, nagtext ang partner ng biktimang si Zhou Mei na nakauwi na ito sa kanilang condominium unit noong linggo.

Dagdag pa rito ay ang patunay ng mga security guards na nakalista nga ang ginang sa kanilang log book.

Ngunit ayon kay Ines, hindi niya ito nakukumpirma hanggat hindi niya mismo ito nakikita.

Inaasahan namang haharap sa pulisya ang mag-asawa ngayong araw.