29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

UK Prime Minister nagbabala ng mas mahigpit na polisiya vs. COVID-19

- Advertisement -

Nagbabala si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa mga kababayan nito na magpapatupad sila ng mas mahigpit na restriction kapag hindi ito sumunod sa inilabas nilang bagong health protocol laban sa COVID-19.

Ayon kay Johnson, maaari silang magpatupad ng mas mahigpit na restriction na tatagal ng anim na buwan oras na sumirit pa ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ang ilan sa mga health protocols na inilatag ng gobyerno ng UK ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapatupad ng work-from-home partikular na sa england, curfew sa mga pubs, restaurant at iba pang establisyimento hanggang alas-10 ng gabi.

Ang sino namang lalabag sa naturang kautusan ay mapapatawan ng multang 200 pound o katumbas ng mahigit 12k.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -