Tyson vs Joshua fight kasado na

0
20

Tuloy na ang bakbakan sa ibabaw ng ring nina British world heavyweight champions Anthony Joshua at Tyson Fury.

Ito’y makaraang isiwalat ni promoter Eddie Hearn na nagkasundo na ang magkabilang panig sa financial terms para sa isang two-fight deal.

Hawak ni Joshua ang WBA, IBF, WBO at IBO belts habang si Fury naman ang kasalukuyang WBC champion.

Sinasabing may kanya-kanya pang misyon ang dalawang boksingero bago haharapin ang isa’t-isa.