Wednesday, May 1, 2024

Typhoon Queenie bahagyang humina

- Advertisement -

Bahagyang humina ang dalang hangin ng Bagyong Queenie habang nasa karagatang malapit sa Northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng Bagyong Queenie ay pinakahuling namataan sa layong 765 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng Bagyong Queenie ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 225 kilometro kada oras.

Ang nasabing bagyo ay kumikilos pa hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Bagamat hindi tatama sa lupa o mag lalandfall, ipinabatid ng pagasa na binabalaan pa rin nila ang mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat sa eastern at northern section ng Luzon dahil sa malalaking alon na hatid ng nasabing bagyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img