Typhoon Maria napanatili ang lakas habang papasok ng Philippine Area of Responsibility

0
49

Napanatili ng bagyong may international name na Maria ang lakas nito habang kumikilos pa-hilaga-kanluran papasok ng PAR o Philippine Area of Responsibility sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Huling namataan ang sentro ng Bagyong Maria sa layong 1,820 kilometro silangan ng northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometro kada oras.

Inaasahan namang papasok ang Bagyong Maria sa PAR bukas ng umaga kung saan tatawagin na itong Gardo.

Bagama’t malaki ang tsansang hindi tatama sa lupain ng bansa ang bagyo, inaasahan namang mas palalakasin pa nito ang southwest monsoon o habagat na magdadala naman ng pag-uulan sa MIMAROPA at Panay Island hanggang Martes.

Habang inaasahan naman ang minsanang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, nalalabing bahagi ng Visayas at kanlurang bahagi ng CALABARZON at Central Luzon.