TWG may paratang sa Angkas

0
24

Doble-kara,”

Ito ang paratang ng Department of Transportation-Technical Working Group (TWG) sa motorcycle ride-hailing app na Angkas.

Ayon kay Transport Assistant Secretary Goddess Hope Libiran, nauna kasing humingi ng paumanhin sa pamahalaan ang Angkas ngunit ngayo’y naghahain naman ito ng temporary restraining order sa korte.

Aniya, nangako ang Angkas na susunod sa guidelines na ipinatutupad ng gobyerno pero ngayo’y kanila rin itong kinukuwestyon sa korte.

Samantala, kasama sa petisyon ng Angkas sa korte ang pagtanggal sa pilot study ng iba pang motorcycle hailing app na Joyride at Move It.