Turista nagkasakitan dahil lamang sa pagkuha ng mga litrato dito sa lungsod ng Baguio

0
3

Baguio City – Nagkasakitan ang ilan sa mga turista o mga bisita habang namamasyal sa isang tourist spot dito sa lungsod ng Baguio noong Miyerkules, Hulyo a 12, ng taong ito noong 10;05 ng umaga.

Ayon sa ulat ng Baguio City Police Office substation 2 ng nagpunta si Ranjit Mapanao Labiano sa naturang himpilan ng pulisya upang iulat ang kapareho niyang turista ang nanakit sa kanya.

Ayon kay Labiano, nagpakuha sila ng larawan sa isang statua sa Stone Kingdom noong minamadali sila ng mga suspek sa pagkuha ng litrato o larawan.

Dahil dito, nakausap ng complainant ang mga suspek nakilala bilang sila Augusto Ariola Landico, Augusto Greego Inciong Landico at Augusto Godfrey Inciong Landico na maghintay sila at sila ang susunod na kukuha ng litrato.

Ayon sa ulat ng BCPO substation 2 ng Camdas, nang lumabas ang nagreklamo sa naturang pasyalan ay nagtulong tulong ang mga suspek na saktan ito sa parking area.

Dahil dito, nagkaroon ng sugat ang kaliwang pisngi ng complainant.  Nagsampa ng kaso ang complainant sa City Prosecutor’s Office laban sa mga suspek. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio Herald Express file)

Leave a Reply