33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

ASF patuloy na kakalat malayo man, malapit sa ASF-affected country — OIE

- Advertisement -

Patuloy pa ring kakalat ang African Swine Fever (ASF) sa iba’t ibang panig ng mundo –malayo man o malapit ang isang bansa sa lugar kung saan may impeksyon ng ASF.

Ayon sa World Organisation for Animal Health (OIE), lahat ng bansa sa mundo ay nanganganib sa ASF.

Sinabi ni OIE Director General Monique Eloit, kahit ang isang simpleng sandwich na bitbit ng isang turista na nagmula sa isang bansang may ASF ay maaring pagmulan ng ASF kung naitapon ito sa basurahan at nagamit na pagkain ng baboy.

Ang ASF ay nagmula sa Africa na unang tumama sa China bago kumalat sa Europa at Asya.

Nasa 50 bansa na ngayon ang apektado ng ASF at aabot na sa daang milyong mga baboy ang pinatay dahil sa ASF.

Maliban sa hog industry, apektado rin ang corn at ang industriya ng pakain sa mga baboy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -