29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Tulong sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal patuloy na pinanawagan ni Tagle

- Advertisement -

Patuloy na umaapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na tulungan ang mga kapatid na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa rehiyon ng CALABARZON.

Sa kaniyang inilabas na liham, sinabi ni Tagle na labis siyang nagpapasalamat sa pakikiisa ng lahat sa naging panawagan ng simbahan na lingapin ang mga apektado ng kalamidad.

Kinilala rin nito ang diwa ng bayanihang umusbong sa mga taga-Batangas sa gitna ng kinahaharap nilang pagsubok na lalong nagpapatibay sa katangian ng mga Pilipino.

Kasunod nito, hinimok ng archbishop ang mga nagnais magpaabot ng tulong na kung maaari ay makipag – ugnayan sa Caritas Manila o di kaya’y sa mga lokal na parokya upang agad itong maihatid sa mga labis na nangangailangan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -