TUCP naliliitan pa sa P100 dagdag sa kontribusyon ng mga miyembro ng PAGIBIG fund

0
20

Naliliitan pa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa 100 pisong dagdag na kontribusyon ng mga miyembro ng PAGIBIG Fund.

Ayon kay Allan Tanjusay, tigapagsalita ng TUCP, mas maganda para sa mga miyembro kung lalakihan pa ang kanilang kontribusyon sa PAGIBIG fund.

Bukod anya sa mas malaki ang pwedeng mautang mas malaki rin ang savings ng mga miyembro kapag tumataas ang hulog.