TUCP compound bubuksan para sa mga vendors sa QC

0
30

Bubuksan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang kanilang compound sa tabi ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City para sa mga vendors.

Ayon kay Alan Tanjusay, spokesman ng ALU-TUCP, gagawin nilang tiangge ang compound upang may mapaglagyan ang Quezon City government sa mga nagkalat na vendors sa lansangan.

Bilang tulong din sa mga vendors natin na maisaayos sila, dati kasi nakaharang sa labas, pero ang gagawin ng TUCP at ng Quezon City government ilalagay sila sa loob ng TUCP compound –maglalagay po sila ng tiangge do’n, at night market, aayusin ito at dito sila ilalagay sa loob para naman hindi sila makaabala sa trapiko,”  — sa panayam ng Balitang Todong Lakas