Trump nag-anunsyo na ng state of emergency sa Amerika

0
48

Ini-anunsiyo na ni U.S. President Donald Trump ang national state of emergency sa Amerika.

Ito ay bunsod pa rin ng banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang pahayag, sinabi ni Trump na dahil sa deklarasyon ay magagamit na ang $50-billion na pondo na magagamit upang tugunan ang COVID-19 o coronavirus disease na idineklara na ring global pandemic ng World Health Organization (WHO).

Sa ngayon, umapela si President Trump sa mga otoridad sa Amerika para sa kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang hindi na kumalat pa ang virus sa Estados Unidos.