29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Tropical depression ‘Betty’ isa na lamang low pressure area

- Advertisement -

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang tropical depression ‘Betty’.

Huling namataan ng PAGASA ang naturang sama ng panahon sa layong 1,385 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 65 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Inaasahang hihina pa sa mga susunod na oras ang nabanggit na weather disturbance at maging isang low pressure area hanggang matunaw sa loob ng PAR.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -