Trillanes pinapasalang sa isang senate investigation

0
44

Nais na isalang ni Senator-Elect Christopher “bong” go si Senator Antonio Trillanes IV sa isang senate investigation.

Ito ay matapos isiwalat ni Peter Advincula alyas “Bikoy” na si Trillanes ay isa sa mga umano’y nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video.

Ayon kay Go, hinihintay na lamang nila ang subpoena para kay Trillanes.

Dagdag pa nito, noon pa man ay alam na ng lahat na plano ni Trillanes na pabagsakin ang administrasyon Duterte.

Samantala, sa unang araw pa naman ng Hulyo magsisimula ang termino ni Go bilang senador.