Trillanes muling bumuwelta kay Pangulong Duterte

0
61

Muling bumuwelta si Sen. Antonio Trillanes IV laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay ng naging babala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na dapat nang ihanda ni Trillanes ang kaniyang sarili, dahil sa posibleng patong-patong na kaso na kaniyang kakaharapin.

Ayon kay Trillanes, ang walang tigil na pag-babanta sa kaniya ni Pangulong Duterte at ni Panelo ay patunay lamang na “obsessed” sa kaniya ang mga ito.

Matatandaang, ang naging banta ni Panelo ay nag-ugat sa alegasyon ni Peter Advincula o alyas “Bikoy” kung saan itinuro nito si Trillanes bilang utak sa pagbuo ng serye ng video, na “Ang Totoong Narco List.”

—–