28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Trillanes may 5 araw para kontrahin ang ‘arrest request’ laban sa kanya

- Advertisement -

Walang arrest order laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa ngayon.

Ito’y makaraang bigyan ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ng limang (5) araw ang senador na mag-komento sa inihaing mosyon ng Department of Justice (DOJ) na humihiling na maglabas ng arrest warrant laban dito.

Itinakda ang pagdinig sa September 13.

Kasabay nito ay nanindigan si Trillanes na walang basehan ang inilabas na presidential proclamation ni Pangulong Duterte na pagpapawalang-bisa sa ibinigay sa kanyang amnestiya noong 2010.

“Unang-una ang basis ng Presidential proclamation ay isang malaking kapalpakan at kasinungalingan.”

Nagpakita ng mga dokumento si Trillanes na magpapatunay na nabasura na ang mga kaso laban sa kanya.

Ayon kay Trillanes isang patunay din na dumaan siya sa proseso ay ang kanyang video ng paghahain ng amnesty application.

Kinuwestyon din ng senador ang hiling ng DOJ na warrant of arrest laban sa kanya.

Aniya nakakaalarma na ang “level of incompetence” ng ilang opisyal sa Pilipinas.

“Ito isa pang kapalpakan nila.. hindi nila alam na dismissed na ‘yung kaso ko na kudeta at rebellion na sinasabi nilang basis kung bakit ako aarestuhin. I have with me the orders kaugnay doon sa dalawang kaso.”

Bakit ka mag-iisyu ng warrant eh dismissed ito?”

Kasabay nito, inihahanda na ng kampo ng senador ang ilang legal remedies sa kaso.

Nakatakda ring maghain ng petisyon sa Korte Suprema si Trillanes para hilingin na maglabas ng temporary restraining order o TRO laban sa inilabas na presidential proclamation na pagpapawalang-bisa sa kanyang amnestiya.—AR

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -