Trillanes ikinagalak ang naging desisyon ng korte sa kaso niya

0
58

Ikinagalak ni Senador Antonio Trillanes IV ang desisyon ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 na ibasura sa hirit ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban sa kanya.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Trillanes ang panginoon at si Judge Andres Soriano na nanindigan para sa hustisya at rule of law sa bansa sa kabila aniya ng matinding pressure mula sa administrasyon Duterte.

“Tantandaan natin itong araw na ito at nagwagi ang tama, hustisya, rule of law at demokrasya. At isang tao lang ang gumawa niyan, kaya itong si Judge Soriano kung mga kagaya lang niya ang nasa hudikatura natin sa Supreme Court (SC) at kung saan man mapapanatag ang loob ng bawat Pilipino.” Pahayag ni Trillanes.

Kasabay nito, tiniyak ni Trillanes na mananatili siyang kritiko ng pamahalaang Duterte at patuloy na pupunahin ang mga makikita niyang kamalian.

Gayundin ang pagpapalabs ng mga expose hindi lamang laban kay Solicitor General (SolGen) Jose Calida at dating Special Assistant to the President (SAP) Secretary Bong Go.

“Sa akin naman, I will just continue to do my job, ano. Hindi ito ano sa akin kumbaga parang I would be driven by aid or what no. Sa akin basta’t meron akong nakuha, nakita eh talagang hindi ako magpipigil sa kanya, di ba. Basta nothing changes I’d be the same critic as I was before. I was upholding my role in the democracy as a member of the opposition.” Ani Trillanes.