31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Traslacion 2020 generally peaceful —NCRPO

- Advertisement -

Ipinagmalaki ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mas mabilis na pag-usad ng Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong taon.

Ayon kay NCRPO chief Police Brig. Gen. Debold Sinas, kung magtatagal pa kasi ang Traslacion mas lalaki ang tyansa ng mga masasamang loob na gumawa pa ng hindi maganda.

Sinabi rin ni Sinas na walang napaulat na major incident sa kasagsagan ng Traslacion.

Wala rin umanong naitalang malubhang nasaktan o nasugatan sa prusisyon.

Dahil dito, sa kanilang pagtaya ay naging pangkalahatang mapayapa rin ang pagtatapos ng Traslacion ngayong taon.


Nakahanda ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na imbestigahan ang di umano’y pang aabuso ng mga pulis na nagbantay sa Traslacion 2020.

Ayon kay NCRPO acting director Police Brigadier General Debold Sinas, bagama’t may mga nasaktan ring pulis, bahagi ng kanilang trabaho ang magsilbi sa taongbayan.

Humingi ng paumanhin si Sinas sa mga nasaktang deboto samantalang nagpasalamat naman sya sa mga sumunod sa mas mahigpit nilang security measures sa Traslacion.

Sinasabing marami ang nasaktan dahil sa paghihigpit ng PNP na makalapit sa andas ang mga deboto na nalimitahan na lamang sa likod ng andas.

May mga reports pa na gumamit ng spray na may sili ang mga pulis sa mga deboto na nagtangkang pumasok sa human barricade na binubuo ng mga pulis.

(Contributor: Len Aguirre)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -