Transaksyon sa mga opisina ng BI suspendido muna

0
13

Suspendido muna ang transaksyon ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga opisina sa rehiyon ng Luzon.

Ito ay bilang pagtalima sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa tumitinding kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, suspendido na ang ilang mga transaksyon upang mabababa rin ang kanilang workforce.

Sinabi ni Morente, mahigpit kasing ipinatutupad ang social distancing upang hindi na kumalat pa ang virus kaya’t minabuti na rin nila na bawasan ang kanilang mga transaksyon.

Gayunman, nilinaw naman ni Morente na hindi naman sakop ng naturang suspensyon ang transaksyon para sa mga outbound passengers na magnanais na makaalis ng bansa.