28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

TRAIN 2 lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang TRAIN 2 na kilala na rin bilang trabaho bill.

Nabigo si Congressman Edcel Lagman nang tangkaing harangin sa plenaryo ang pagpasa sa nasabing panukala kung saan mula sa kasalukuyang 30 percent na corporate income tax magiging 25 percent na lang ito sa ilalim ng train 2.

Sa ilalim nito ang corporate income tax ay magiging 28% simula january 1, 2021, 26% simula january 1, 2023, 24% simula january 1, 2025, 22% simula january 2, 2027 at 20% simula january 1, 2029.

Gayundin ang rationalization sa fiscal incentives sa mga kumpanya na performance based.

Nakapaloob rin sa panukala ang rationalization sa mga insentibo na ibinibigay sa mga negosyong karapat dapat na mabigyan nito maging time bound at transparent.

Kasama sa irarationalize ang mga insentibo na iginawad sa ilalim ng 123 special laws.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -