Traffic enforcer na kinaladkad ng motorista sa Maynila promoted

0
18

Promoted ang traffic enforcer ng Maynila na kinaladkad ng isang motorista na kaniyang hinuli.

Mismong si Manila Mayor Isko Moreno ang nag anunsyo ng promosyon ni Adrian Lim bilang regular employee ng Manila Traffic and Parking Bureau mula sa pagiging job order worker.

Sinabi ni Moreno na humanga siya sa dedikasyon sa trabaho ni Lim na ipinagwalang bahala ang kaniyang kaligtasan para sa maayos na pagpapatupad ng batas trapiko.

Dapat aniyang tularan ng iba pang traffic enforcer ang pagse-serbisyo sa publiko ni Lim na kinaladkad ng motoristang si Orlando Ricardo Dizon, Jr. gamit ang Mitsubishi Xpander matapos siyang hulihin dahil sa traffic violation nuong Sabado.