31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Trade fair sa siudad sa Rose Garden ng burnham Park Baguio City dito gagawin ang nasabing okasyon

- Advertisement -

(Baguio City) Sinabi ni Bise-Mayor  na si Abogado Faustino Olowan na maaring isagawa ang “Trade Fair” sa  Rose Garden na hindi lalabag sa “Trade Fair Ordinance” ng lokal na gobierno. Kanyang ipinaliwanag, ang anumang “trade fair” na isasagawa sa mga parke ng lungsod na pagkukusa ng lokal na gobierno ay hindi kasama sa ipinagbabawal ng nasabing ordinansa.

Ayon sa naturang  bise-mayor, ang nasabing gawain sa nasabing parke ay inorganisa ng CEPMO upang makaipon ng pondo para sa maintenance ng mga bulaklak at ng fountain doon upang makaakit  ng mga turista.

Sinabi ng naturang lokal na opisyal naiintindihan nila ang saloobin ng mga namamasyal ngunit dapat din nilang maintindihan na ang nasabing gawain ay para din sa lungsod ng Baguio lalo sa nasabing parke.

Samantala, kanya ring ipinahayag ang pag-amienda sa nasabing ordinansa ng lungsod. Matatandaan na ang trade fair sa Rose Garden ng Burnham Park ay nag umpisa na noong  Lunes, Mayo a 8 at inaasahang matatapos ito sa Sabado Mayo a 27 ng taong din ito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

(Credit to PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -