33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Toto Mangudadatu napatawad na ang pamilya Ampatuan

- Advertisement -

Pinatawad na ni Maguindanao Second District Esmael ”Toto” Mangudadatu ang pamilya Ampatuan at iba pang suspek sa pagpaslang sa kanyang asawa, kaanak, supporters at mga mamamahayag 10 taon na ang nakalipas.

Ayon kay Mangudadatu, naging matigas siya nuong una ngunit kinumbinsi siya ng kanyang mga anak na patawarin na ang mga may sala lalo na ngayong nalalapit nang ilabas ang desisyon ng korte sa kaso.

Kahit pa napatawad na ay iginiit ni Mangudadatu na nais pa rin niyang makamtan ang hustisya.

Sa Nobyembre 23 ay nakatakdang gunitain ang ika-10 taong anibersaryo ng Maguindanao massacre case kung saan nasawi ang 58 katao kabilang ang mahigit 30 mga journalist.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -