30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Total PH may pa-libreng gas sa mga frontliners

- Advertisement -

Libre nang makakapagpa-gas simula ngayong araw na ito, Biyernes, April 3, hanggang April 17 ang mga medical front liner sa iba’t ibang branch ng Total Philippines.

Ang hakbang, ayon sa Total Philippines, ay bilang pasasalamat sa serbisyo at dedikasyong ibinibigay ng medical front liners sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang unang 30 medical front liner, araw-araw ay libreng makakapagpa-gas sa mga piling branch ng Total Philippines hanggang P300.

Ang libreng gas ay para sa mga kotse, van, motorsiklo at iba pang uri ng sasakyan ng front liners habang P1,000 naman kada araw ang uubrang ipa-gas ng libre ng DOT-accredited shuttle buses na naghahatid ng front liners.

Kailangan lamang magpakita ng valid ID para makapag-avail ng libreng gas sa ilang branch ng total sa  Metro Manila, Cagayan, Ilocos Norte, Baguio City, Bataan, Pampanga, Bulacan, Palawan, Romblon, Antique, Negros Occidental, Negros Oriental at Bohol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -