Total coronavirus recoveries sa bansa pumalo na sa 112,586 —DOH

0
16

Nadagdagan ng 40,397 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), sumipa na sa 112,586 ang total recoveries sa bansa.

Kinumpirma naman ng DOH ang pag-akyat sa 161,253 ng COVID cases nang makapagtala ng karagdagang 3,420 na bagong impeksiyon sa buong kapuluan.

Samantala, sumampa na sa 2,665 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 65 pang pasyente.