Tolentino hinikayat ang PRC na i-waive ang licensure examination ng mga doktor

0
18

Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Professional Regulations Commission (PRC) na ibale wala na ang boards natitira pang dalawang araw para sa licensure examination ng mga doktor.

Marso 8 at 9; Marso 15 at 16 ang physician licensure examination subalit inabutan ng pagpapatupad ng Luzon-wide community quarantine ang huling dalawang araw.

Ayon kay Tolentino, hindi naman ordinaryo ang sitwasyon ngayon nasa giyera tayo kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Maaari na anyang i deploy ang mga bagong doktor bilang reinforcement sa harap ng pagkakasakit na rin ng maraming health workers.