Monday, May 6, 2024

Tinatayang 600 VCMs nagkaaberya ngayong halalan – COMELEC

- Advertisement -

Tinatayang nasa 400 hanggang 600 mga Vote Counting Machine ang nag-kaaberya sa halalan ngayong araw.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, maliit na bilang lamang ito mula sa kabuuang mahigit 85,000 mga VCM sa iba’t ibang polling precinct sa buong bansa.

Dagdag ni Jimenez, kaya rin itong mapunan ng nasa 9,000 nakaantabay na VCMs.

Samantala, nilinaw naman ni COMELEC Education and Information Director Frances Arabe na walang kasalanan sina dating Vice President Jojo Binay at ang isang botante sa Maynila kaya hindi tinanggap ng VCM ang kanilang mga balota.

Ito aniya ang dahilan kaya pinalitan nila ang mga ito ng bagong balota at  payagang muling makaboto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img