35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Tinamaan Ng COVID-19 Sa Isang Barangay Sa Lungsod Ng Iriga, Umabot Na Ng15, Tatlong Sona Naka-Granular Lockdown

- Advertisement -

Iriga City — Isinailalim na ngayon sa granular lockdown ang tatlong sona O purok sa Santiago, Iriga City matapos na umabot sa kabuuang  15 ang positibong kaso sa lugar na ang anim ay kahapon lamang lumabas ang resulta.

Ayon kay CDRRMO chief Ms. Mariser Almelor, ginawa nila ang hakbang upang wag ng kumalat sa iba pang sitio O purok ang sakit na dala ng virus.

Nagsimula ang kaso noong Marso 24 na mayroon pa lamang tatlong kaso, subalit bigla itong lumubo matapos na ang iba ay magkaroon ng close contact.

Nanawagan pa ang opisyal sa mahigpit na pagsunod minimum health protocol.

Nagbigay na rin ng tulong ang opisina ng DSWD at ang Provincial Government ng Camarines Sur upang maiwasan ang pagka-gutom ng mga mamamayan.

Kasama sa mga naka-lockdown ay mismong bahay ng Punong Barangay sa Santiago, Iriga City.

Samantalang si Mayor Madel Alfelor ng Iriga, nagpatupad na rin ng 50% capacity sa lahat ng mga negosyo, kasama na ang restaurant at iba pang recreational activities at mahigpit na ring ibinawal ang sabong saang mang barangay sa lungsod. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: LGU Iriga City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -