Sunday, May 5, 2024

TIKTOK, TWITTER BAN SA FRANCE

- Advertisement -

IPINAGBAWAL nitong Biyernes ang “ recreational” na TikTok, Twitter, Instagram at iba pang apps sa cellphone ng mga kawani ng pamahalaang France dahil sa insufficient data security measures.

Ang hakbang ng bansang France laban sa mga nasabing apps ay itinulad sa democratic countries na ipagbawal ang popular video-sharing apps na Chinese connections.

“Recreational” apps aren’t secure enough to be used in state administrative services and could present a risk for the protection of data,” pahayag ng French Minister for Transformation and Public Administration Stanislas Guerini.

Inatasang mag-monitor ang France’s cybersecurity agency sa mga cellphone ng government employees kabilang na ang lawmakers, opisyal ng mga departamento at maging si President Emmanuel Macron.

Nabatid din sa mga nailathala ng ibang pahayagan na may exception naman sa paggamit ng ipinagbawal na apps kung ito ay gagamitin sa professional purposes tulad ng public communication na kailangan ang permiso ng nasabing ahensya.

Magugunita na noong 2017 ay nakasaad sa batas ng China na kinakailangan sa mga kompanya na magbigay ng personal data na may kaugnayan sa national security ng isang bansa.

Subalit, walang matibay na ebidensya na ang TikTok ay nagbigay ng nasabing data sa Chinese government kung saan sinabi ng kompanya na 60 porsiyento ng ByteDance ay pag-aari ng global institutional investors.

Nababahala naman ang Western governments na pupuwersahin ng Chinese government ang namamahala ng TikTok app na ByteDance Ltd na magbigay ng data sa international users.
MHAR BASCO

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img