Tigaon, Nilinaw Na RT-PCR/Rapid Antigen Test Parin Ang Kailangan Para Makauwi At Hindi Ang Pagiging Bakunado

0
388

Nilinaw ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Tigaon na hindi pagiging bakunado ang kailangan para payagang makauwi ang mga galing ng Maynila bagkus ay ang RT-PCR o kahit Rapid Antigen Test parin.

Sa panayam ng kay Leondrew Befinoza, Chief ng MDRRMO, sinabi nitong kinakailangang nagnegatibo sa isinagawang Rapid Antigen Test o RT-PCR ang mga nais umuwing galing Maynila nang sa gayon ay hindi na idaan sa quarantine facility ng bayan.

Ipinaliwanag pa nitong kahit bakunado na o fully vaccinated pa ang mga uuwi hindi ito sapat para tuluyang makabalik sa naturang bayan lalo na’t merong pa ring carrier ng virus kahit bakunado na.

Paalala pa nitong kung hindi naman aniya importante ang pag-uwi ay kung maaari huwag na lamang munang umuwi lalo pa’t dumarami ang kaso ng COVID 19 sa naturang bayan maging sa probinsya ng Camarines Sur may tinatamaan ng iba-ibang COVID- variants.

(Source: Brigada News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here