Three-Gives Law isinusulong ni Sen. Tolentino

0
21

Itinutulak ngayon ni Sen. Francis Tolentino ang isang panukalang batas upang maibsan ang gastusin ng publiko, lalo na’t nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Ito ay sa ilalim ng isinusulong na Senate Bill No. 1473 o ang  “Three-Gives Law” ni Tolentino na naglalayong gawing staggered ang payment scheme para sa mga utility bills gaya na lamang ng kuryente, tubig at telephone bills na nakonsumo ng sa gitna ng pag-iral ng ECQ.

Aniya, malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipino lalo na sa mga lubhang naapektuhan ng ECQ.

Una rito, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang apat na buwang staggered payment scheme, kung saan tiniyak naman ng Meralco na tatalima sila sa naturang direktiba.

Habang para naman sa panig ng mga water concessionaires, pansamantala munang ipinagpaliban ng Manila Water at Maynilad ang meter reading at ibabase na lamang nila ang magiging bayarin sa nakalipas na tatlong buwang average consumption.