PhilHealth pinabulaanan ang umano’y P180-M utang nila sa UST Hospital

0
16

Pinabulaanan ng PhilHealth na mayroon silang P180-milyon na utang sa UST Hospital.

Ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, walang katotohanan na aabot sa halos P200-milyon ang halaga ng kanilang ‘unpaid dues’ sa UST Hospital.

Aniya, sa katunayan ay nag-advance sila ng P85-milyon para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response.

Una rito, sinabi ni Dr. Marcellus Ramirez, hospital medical director ng UST, na nasa P180-milyon ang utang sa kanila ng PhilHealth dahil sa mga gastos ng COVID-19 patients.

Magugunitang una nang sinabi ng PhilHealth na sasagutin nila ang gastos para sa pagpapagamot ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.