DFA officials binigyan ng kapangyarihan ng Comelec para sa overseas absentee voting

0
61

Idineputize ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magsisilbing special board of canvassers para sa absentee voting.

Batay sa inilabas na resolusyon ng Comelec, ibinibigyan ng kapangyarihan ang head ng mga embahada sa ibang bansa para buksan ang mga election returns at ballot boxes.

Layon nitong mapabilis ang proseso ng absentee voting at bigyan ng kapangyarihan ang mga opisyal ng DFA sa mga bansa na desisyunan ang mga tinanggap na election return kung ito ay valid, kahina-hinala o tampered.

Nasa isa punto walong (1.8) milyong mga OFW ang nagparehistro para lumahok sa May 2019 midterm elections.

—-