Term sharing sa house speakership pinaalala ni Duterte kay Cayetano at Velasco

0
19

Pinaalalahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa kanilang gentlemen’s agreement.

Kaugnay ito ng usapin ng term sharing sa house speakership ng dalawang mambabatas.

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa pagpapasiya na nina Cayetano at Velasco kung susundin o hindi ang kanilang kasunduan.

Gayunman, posible aniyang magkaroon ng problema kung susuwayin ng dalawa ang kanilang napag-usapan.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Duterte na posibleng panghimasukan niyang muli ang usapin sa house speakership sakaling magkaroon ng problema hinggil dito sa hinaharap.

Magugunitang, namagitan ang pangulo sa tunggalian nina Cayetano at Velasco bilang house speaker bago magbukas ang 18th congress noong Hulyo kung saan napagkasunduan ang term sharing.