Team mula WHO tumulak pa-China para tumulong sa pagkontrol ng nCoV

0
28

Isang team mula sa World Health Organization (WHO) ang tumulak na patungo ng China.

Ayon sa WHO, tutulong ang ipinadala nilang team para makontrol ang pagkalat pa ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Sa kasalukuyan, nasa 28 bansa na ang apektado ng 2019 nCoV-ARD.

Mayorya nito ay nasa Asya subalit nakaabot na rin ito sa Estados Unidos at Australia.