Monday, April 29, 2024

Tax provision para palakasin ang political party system sa bansa lusot na sa committee level sa Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang tax provision para sa panukalang nagpapalakas sa political party system sa bansa.

Batay sa nasabing panukala, lilimitahan ang voluntary contributions sa anumang political party hanggang isang milyong piso kung ito ay galing sa naturang person at hanggang sampung milyong piso kung ito ay mula sa juridical persona na pinapayagan ng batas.

Exempted naman sa pagbabayad ng donor’s tax ang mga kontribusyon para sa pangangampanya ng political party.

Nakasaad din sa panukala na bubuo ng SSF o State Subsidy Fund na gagamit directly at exclusively para sa party development and campaign expenditures ng mga accredited national political parties.

Malinaw din sa panukala ang paglalaan ng SSF kung saan limang porsyento ay para sa monitoring purposes sa pagsasagawa ng information dissemination, campaigns and voters education.

30% naman ay ipapamahagi ng pantay pantay sa accredited political parties na kumakatawan sa senado habang ang natitirang 65% ay proportionately distributed sa mga political party sa Kamara.

Inaatasan din nito ang COMELEC na bumuo ng political party and campaign finance department.

Batay pa sa panukala, ang sino mang miyembro ng political party na magpapalit ng partido matapos mahalal sa ilalim ng dating political party ay kailangan munang mag resign sa kaniyang elective position.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -