Tatlong katao huli sa buy-bust operation sa bayan ng Iriga

0
8
photo courtesy of PNP Kasurog Bicol

Camp BGen Simeon A. Ola, Legazpi City — Tatlong street-level target ang nahuli sa isang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa sa Barangay San Vicente Sur, Iriga City, Camarines Sur nitong Lunes, Mayo 20, 2024.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Iriga-PNP katuwang ang PDEA ROV matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa iligal na aktibidad ng mga suspek. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaka-aresto ng tatlong indibidwal na kinilala sa mga alyas na “Dalya,” “Meri,” at “Emar.”

Sa mismong buy-bust operation, nakuha kay “Dalya” ang marked money na ginamit sa operasyon. Si “Meri” naman ay nahulihan ng isang (1) unit Cal. 22 revolver.

Pinuri ni PBGEN ANDRE P DIZON, RD PRO5 ang mabilisang aksyon ng kasurog cops at ng PDEA ROV. Aniya, ang matagumpay na operasyon na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng mga awtoridad laban sa iligal na droga at kriminalidad sa rehiyon.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Iriga-PNP habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila. Ang mga kapulisan ay patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon na makatutulong laban sa kriminalidad.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

Leave a Reply